
The hostage drama makes me realize that Philippine government is definitely not doing what is right. The parents of those children think that Ducat is really a good person and they believe that Ducat is just doing what is right and they are not afraid because they knew that Ducat will not do anything bad to their children. Ducat is the one who establish the Musmos Day Care (where those children are studying).
Now why do I say that our government is really not doing what is right? Hindi gagawin ni Ducat ang pang-hostage iyon kung maganda ang distribusyon ng education sa Pilipinas. Totoong napakakurakot ng ating bansa, sagad sa buto ang kahirapan.
Do you think Ducat is a psycho? I must say NO. Kung ating titingnan ang bagay na negatibo, tiyak na magiging negatibo rin ang tingin mo sa kanyang ginawa. So totoo lang ang huwad ng tao na nagsabi na nakakahiya ang ginawa ni Ducat sapagkat nakita ito ng buong mundo. Ang sa akin lamang hihintayin pa ba ng gobyerno na maging kahiya-hiya at malaman ng ibang bansa ang kabulukan ng kanilang pamamahala bago pa magsagawa ng hakbang sa pagbabago? Sinu ngayon ang baliw?
Diretso sa kulungan si Ducat, tinataob ng gobyerno ang kabayanihan ng isang tao. Tsk tsk.

Ang mga batang ito, nagaantay kung anu ang kanilang magiging kinabukasan. Ang kanilang bayaning tumugon sa kanilang pangangailangan ay nasaan, nasa kulungan. Ang kanilang tanging daing, “Palayain si Ducat”.
Sapagkat isa sa mga opisyal ng pamahalaan ang nagbanggit na “Ang babata pa nila para isipin ang pag-aaral sa kolehiyo.” Sarap mong sipain? (kung sinu ka man).
Hindi ba naisip ng opisyal na iyon na ang pagpplano para sa kinabukasan ang pinakaimportante sa buhay ng tao? Na ang pagpplano ng kinabukasan ay mahalaga para magandang buhay? Kung sabagay, ang opisyal na ito, ay hindi nag-iisip. Isa sa sya dapat sibakin.
Ang gobyerno, bingi-bingihan, bulagan-bulagan, patay-patayan. Sa totoo lang habang pinipindot ko ang keyboard na ito, ako’y nahahabag, ang mga sinabi ko lahat ay pawang opinion ko lamang. Ang sa akin lamang..























